Talumpati tungkol sa kabataan

This image is not owned by the writer
"Kabataan ang Kinabukasan! Kinabukasan nga ba ang mga kabataan?"

Kabataan daw ang Pag-asa ng Bayan,
Bayan na puno ng lungkot, hirap na tila ba wala ng patutunguhan.
Masasabi mo ba sa sarili mo na ikaw ang kinabukasan?
Kung sa simula palang ay wala ka namang ambag sa loob ng inyong tahanan?

Mundo, mundo, mundo,
mundong puno na ng gulo,
Alam mo ba sa sarili mo?
na ikaw ang kinabukasan para sa maraming pilipino?

Tinuruan ka ng mga magulang mo,
na bawat isa ay dapat i-respeto.
Ngunit anong ginagawa mo sa paaralang pinapasukan mo?
Nire-respeto mo ba ang ang iyong mga guro?

Cellphone, cellphone, cellphone ba ang iyong hawak?
malamang oo! sa mundong ang gadgets ay laganap.
gadgets na lumamon na sa maraming utak,
Utak ng isang kabataang katulad mong gusto rin mag-palaganap.

Mag-palaganap ng kabutihan para sa ikaka-ayos ng ating bansa,
ngunit tinangkilik ang wikang banyaga para lamang sa sariling ika-sasaya.
 Dapat kabang tawaging isang isdang malansa?
dahil mismong ang sarili mong bansa ay iyong ikinakahiya?

Tinuruan, pinakain, binuhay ka ng mga magulang mo!
kung kaya'y marapat na suklian mo ang mga ito.
Marapat na itayo mo ang bansang kinatatayuan mo,
dahil sa iyo nakasalalay ang malaking pagbabago.

Ngunit kung sa huli ay hindi mo ito magampanan,
matatawag mo ba ang sarili mo bilang kinabukasan?
masasabi mo bang kinabukasan nga ang kabataan?
kung nakikita mo sa iyong mata ang mga kamalian?

Sa huli, nasa tao din yan kung gusto niyang maging tulay,
maging tulay tungo sa maayos na pamumuhay.
Kabataa'y lalaking mabuti kung nasa pangangalaga ng mabuting kamay,
kamay na nagsilbing inspirasyon sa mga kabataan at sa kanila'y gumabay.



Comments

Popular posts from this blog

"Bakit ako nagsusulat?"

Replektibong Sanaysay

Panunuring papel ng pelikulang "Metro Manila"