"Bakit ako nagsusulat?"

This image is not owned by the writer
"Bakit ako nagsusulat?"

Sa loob ng paaralan, and dalawang unang napaka-importanteng itinuturo ay ang pag-basa at pag-sulat.
Pagbasa dahil kinakailangan natin mabigkas ang mga salita ng maayos at pagsulat upang malinang nating ma-express ang sarili natin sa pagguhit ng mga letra sa papel at sa kung saan paman.
Pero gaano nga ba ka-importante ang pagsusulat? At bakit nga ba tayo nagsusulat?

Sa ilang taon kong pag-aaral, masasabi kong napaka-importante talaga ang matutunang magsulat.
isang kadahilanan ng pagsusulat ay ang pormal na pakikipag-usap sa mga propesyonal na tao o kliyente gamit ang mga titik o letra.
dahil dito, maaaring malaman ng mambabasa ang gusto mong iparating sa kanya kahit na hindi kayo nag-uusap sa personal.
Ayon din sa loob ng iskwelahan, noon ay ginagamit ito ng mga tao upang ipakita at iparating sa atin ang mga napaka-importanteng nangyari noon sa kanila sa pamamagitan ng mga bato. 
Dahil dito ay mas nagkakaroon ng ideya ang mga tao patungkol sa mga pangyayari sa buong mundo.
kung kaya'y masasabi ko rin na ang dahilan kung bakit tayo nagsusulat ay upang maipakita natin ang mga impormasyon o pangyayari gamit ang isang papel at hindi gamit ang bibig.

Isa rin sa mga importansya ng kung bakit tayo nagsusulat ay upang maibahagi natin ang mga damdamin at saloobin natin na di gumagamit ng ekspresyon kundi mga pananda.
Dahil dito, maaring malaman ng isang mambabasa at madama nito ang ating nararamdaman kahit na di niya nakikita ang ekspresyon ng ating mukha.
sa huli, masasabi ko talagang napaka-importante ng pagsususlat sa buhay natin.
Ngayon na nga ay nasa mataas na antas na ako ng pagaaral, mas kina-kailangan kong gamitin ang pagsusulat sa napakaraming bagay at isa na rito ay ang research. Ang research ay isang napaka-kumplikadong bagay at ito ay ginagamitan ng matinding pag-iisip at pagsusulat.

Para sa akin, ang pagusulat ay hindi lamang literal na pagguhit sa isang kwadrado.
Ginagamitan ito ng mapanuring pag-iisip at pag-ekspres ng mga imahinasyon, damdamin o ideya.
Dahil dito, mas napaparating natin ang mga bagay-bagay na maaaring maging daan upang magbigay ng importansya na magagamit ng iba pang tao upang masagot ang mga katanungan kung bakit nga ba sila nagsusulat.   

Comments

Popular posts from this blog

Replektibong Sanaysay

Panunuring papel ng pelikulang "Metro Manila"