Panunuring papel ng pelikulang "Metro Manila"
This photo is not owned by the writer |
Panunuring papel ng pelikulang "Metro Manila"
Ang Palabas na Metro Manila ay tumutukoy sa mga Isyu na hinaharap ng pilipinas tulad ng kahirapan, unemployement at iba pa. Ang kwento ay umiikot sa isang lalaking nag-ngangalang Oscar at kung paano niya hinarap ang mga problema.
Sa kadahilanang ang kanyang pamilya ay di matustusan ang mga pangangailangan nila sa probinsya, sila ay lumipat sa Metro Manila upang makahanap ng maayos na trabaho. Ngunit hindi niya aakalain na ang pagpunta pala nila sa Metro Manila ay isang kamalian marahil ginawa lang nito ang buhay nila bilang misirable. Marahil ang tema ng palabas ay kahirapan, ipinakita rito ang buhay sa probinsya bilang isang mahirap na maliit lamang na sweldo ang nakukuha nila kapalit ng mga na-aning palay.
Masasabi kong maganda ang simula ng istorya marahil tumutukoy ito sa tunay na buhay ng mga taong mahirap lamang na walang tamang sahod upang mabuhay ang pamilya sa pang araw-araw. Ang teknik na ginamit nila ay maayos marahil ipinakita nila ang buhay kahirapan at ipinakita rin nila ang kabuuang buhay ni Oscar sa Metro Manila.
Marahil masasabi kong maayos ang palabas na Metro Manila ngunit magiging maayos pa ito kung maipapakita nila ang naging buhay ng asawa ni Oscar matapos nitong makuha ang pera galing sa kahon at matapos malaman nitong namatay na ang kanyang asawang si Oscar. Ang palabas na Metro Manila ay maiuugnay ko sa napapanahong isyu marahil tumutukoy ito sa kahirapan na ngayon ay nangyayari sa karamihan ng pilipino at unemployment dahil madami ang tao ngayon na di na nakakapag-tapos ng pag-aaral na naghahanap ng trabaho. Ang pamagat na "Metro Manila" ay masasabi ko ring angkop sa ipinakita sa palabas marahil ipinapakita dito na sa Metro Manila, ang mga kamalian at mga masasamang gawain ay pwedeng mangyari na natuklasan nga ng bida matapos nitong mapadpad rito.
Sa huli, masasabi kong mahusay ang palabas na "Metro Manila" marahil sumasalamin ito sa tunay na buhay na maaaring maranasan ng isang indibidwal. Masasabi korin na maayos din ang produksyon dahil kung tutuusin ay mahirap gumawa ng pelikula sa isang urban na lugar na mayroong maraming tao ngunit nagawa parin nilang maipakita ng maayos ang palabas kahit na masasab kong hindi ganoon pinagtuunan ng pansin ang kalidad ng pag-acting ng mga gumaganap.
Comments
Post a Comment