Replektibong Sanaysay
This photo is not owned by the writer. |
Sa ating buhay, hindi mo lang dapat inaalala ang mga pangyayari at ang mga karanasan mo kundi ay dapat isinasabuhay mo ang mga aral na natututunan mo at mga napagtanto mo mula sa mga pangyayaring ito.
Tulad na lamang ng mga nangyari sa aking buhay, inaalala ko ang mga masasayang pangyayari na nangyari sa akin tulad ng makasama ko ang aking pamilya sa paglibot ng ibat-ibang lugar, makalaro ang mga kaibigan sa labas ng bahay at kung ano-ano pa na ngayon ay hindi ko na madalas maranasan.
Dahil dito napagtanto ko na hindi lang pala ang mga bagay na ito ay nagbibigay kasiyahan sa akin kundi ang mga karanasang ito ay nagbibigay aral din sa akin hanggang ngayon na napaka-importante na huwag mong sasayangin ang oras mo sa pagtutok sa screen ng gadgets kundi gamitin mo ang oras mo para makasama ang mga taong mahal mo marahil hindi palagi ay nariyan sila at dadating ang mga oras na mawawala rin sila at mapagtatanto mo sa buhay mo na hindi mo lang dapat tinitignan ang panlabas na anyo ng mga pangyayari at kung hindi ay tinitignan mo rin ang ibig ipahiwatig ng mga pangyayaring ito sa inyong buhay
Comments
Post a Comment