Pagkakaroon ng Department of Disaster of Resilience

This photo is not owned by the writer
Pagkakaroon ng Department of Disaster of Resilience

Sa mga nakaraang taon, ang pilipinas ay laganap sa napakaraming disaster katulad na lamang ng bagyo, lindol at ang kasalukuyan pa lamang na pagsabog ng bulkang taal noong January 12, 2020 na nagkalat ng ash fall sa mga katabing probinsya ng Batangas. Mayroon ding lindol na naganap sa Mindana noong 1976 na kinonsidera na isa sa mga malalakas na lindol na tumama sa bansa na may magnitude 7.9 ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology at ang Super Typhoon Yolanda naman na tumama sa Visayas na pumatay sa 6,300 na katao at higit pa na nag-tayang nagkaroon ng Signal no. 4.

Marahil nga laganap tayo sa napakaraming disaster, ang Executive Order 137 ay nag anunsyo na magkakaroon ng "Natural Disaster Consciousness Month kada hulyo ng taon upang maiwasan ang kawalan ng mga buhay at kasiraan ng mga tahanan sa pilipinas.

Napaka-importante talagang magkaroon tayo ng Department of Disaster of Resilience marahil ayon sa nakikita ko, nangyayari ang mga kawalan ng buhay at kasiraan ng maraming tahanan  dahil hindi tayo masyadong handa sa mga sakunang darating. Kung kaya'y ang importansya ng pagkakaroon ng Department of Disaster of Resilience ay ang pagkakaroon din ng kahandaan sa mga darating na sakuna. Dito, masasabihan o matitiyak ng maraming tao kung ano ang dapat nilang gawin at dapat puntahan kung magkakaroon man ng malakihang sakuna sa pilipinas. Dahil dito, mas marami tayong maaaring masalbang buhay at mababawasan ang bilang ng apektadong tao at lugar kung maabisuhan tayo ng maaga sa mga hakbang na dapat gawin upang maiwasan ang mga kalamidad na noon ng sumira sa buhay ng napakaraming tao sa pilipinas.

Comments

Popular posts from this blog

"Bakit ako nagsusulat?"

Replektibong Sanaysay

Panunuring papel ng pelikulang "Metro Manila"