"Buhay Senior High School"

This picture is not owned by the writer
"Buhay Senior High School"

Bilang isang mag-aaral, isa sa mga mahalagang bagay na pwede namin makuha sa loob ng paaralan ay ang edukasyon.
Marahil nagkaroon nga ng K-12 program, nadagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral namin bilang isang high school student.
Ang buhay senior high school student ay masasabi kong isa sa pinakamahirap ngunit isa rin sa mga pinakamasayang karanasan sa pag-aaral ko bilang isang istudyante.
Una na nga sa dahilan nito ay ang panibagong paraan ng pagtuturo. 
Sa senior high school, mas pinalawak pa ang mga diskusyon at ang mga aralin na itinuturo sa amin kung kaya'y mas madami kaming natututunan at mas nakakakuha pa kami ng panibagong kaalaman.
Pangalawa ay ang panibagong mga taong makakasama mo sa dalawang taon na pag-aaral mo bilang isang senior high school. 
Sa Senior High school ay nasa iyo ang desisyon kung ano ang pipiliin mong strand na pasok sa kurso na kukunin mo sa kolehiyo kung kaya'y makakasama mo ang mga istudyanteng kapareho ng kinuha mong strand.
Dito, panibagong mukha, panibagong kwadrado at panibagong guro na ang makakasama mo.
Isa pa, dapat sa pagpili ng strand, dapat alam mo na talaga ang kukunin mong kurso dahil sa senior high shool iba-iba din ang itinuturo ukol sa kinuha mong strand.
Huli naman ay ang mga panibagong karanasan.
Dahil nga na mas mataas na antas na ito ng pag-aaral, mas madami at mas mahirap ang mga gawain  at mga proyekto na kinakailangan gawin.
May mga oras pa na kailangan mo talaga magsakripisyo ng mas madaminng oras dahil sabay-sabay ang mga gawaing binibigay ng mga guro.
Dahil din sa Senior High School, mararanasan mong mas maging malaya sa mga desisyon mo.
Pero sa huli masasabi ko na ang isang pagiging senior high school ay isa sa pinakamasayang karanasan dahil hindi ka lamang nagda-dagdag ng iyong kaalaman ngunit nasusubukan mo rin gawin ang mga masasaya at panibagong bagay.  

Comments

Popular posts from this blog

"Bakit ako nagsusulat?"

Replektibong Sanaysay

Panunuring papel ng pelikulang "Metro Manila"